Mga empleyado ng Olongapo City Government sumasailalim sa Basic Filipino Sign Language Workshop and Training

Sumasailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang mga empleyado ng Olongapo City Government.

Ito ay patungkol sa Basic Filipino Sign Language Workshop and Training katuwang ang Persons with Disability Affairs Office.

Read More:  2 children die after electrical incident at Cauayan school fun run

Layunin umano ng pagsasanay na ito na maging pangkalahatan ang pagbibigay ng serbisyo publiko na tutugon sa mga pangangailangan ng mga hearing-impaired dahil mas madali na silang maiintindihan ng mga empleyado.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ang aktibidad ay nagsimula noong April 17 at tatagal hanggang April 19, bukas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center