Isa patay 2 sugatan sa dynamite fishing sa Masbate

Patay ang isang mangingisda habang ang dalawang kasamahan ay sugatan at isa ang nakaligtas sa pagsabog ng dinamita sa Placer, Masbate.

Nakilala ang nasawi na si Jake Gelboina Quinones, 23-anyos, binata habang sugatan sina Archieval Acuesta Quinones, 44-anyos, may asawa at King Jake Gelboina Quinones, 15-anyos at nakaligtas naman sa kapahamakan si Jemar Gelboina Quinones, 17-anyos lahat mangingisda at naninirahan sa Brgy Nagarao ng nasabing bayan.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Lumabas sa imbestigasyon na habang ang pamilya ni Archieval  Quiñones kasama ang kanyang tatlong anak na lalaki habang nagsasagawa ng mga aktibidad sa pangingisda sa pamamagitan ng paggamit ng iligal na dinamita sa karagatan na sakop ng nasabing barangay ay biglang sumabog ang improvised dynamite.

Hawak umano ni Jake Quinones ang isang long neck na bote na may lamang pampasabog at sa aktong itatapon na ito sa dagat ay bigla itong sumabog sa kanyang kamay na naging sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Agad namang humingi ng tulong si Jemar na bukod tanging nakaligtas sa pagsabog.

Nagpapagaling pa sa ospital ang mag-ama habang nakaburol na sa kanilang bahay ang nasawing si Jake Quinones.

Ang mga mangingisda ng Masbate ay kilala sa paggawa ng dinamita na kanilang ginagamit sa pangingisda.