Water crisis, hinaharap umano ng bansa ayon kay Pangulong Marcos

Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na humaharap ngayon ang Pilipinas sa water crisis, kasabay ng anunsyo hinggil sa pagbubuo ng isang opisina ng water management upang matugunan ang water supply problem.

Sa ginanap na 6th Water Philippines Conference and Exposition, sinabi ni Marcos na kailangang tularan ng Pilipinas ang mga ginagawa ng ibang bansa pagdating sa water management para maresolba ang problema sa tubig.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Aniya, pinag-iisipan nila ang naturang hakbang dahil tunay na nakapanghihina sa ekonomiya ng bansa ang krisis na kinahaharap nito.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Paliwanag ng Pangulo, sa pamamagitan ng pagbubuo sa nasabing establisyimento, makagagawa ang pamahalaan ng ‘more cohesive policy’ upang matugunan ang water crisis.