Philippine Multi-sectoral Nutrition Project, ilulunsad ngayon ng NNC Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng National Nutrition Council (NNC) Bicol na maglulunsad sila ngayong araw ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon kay NNC Bicol Regional Director, Arlene R. Reario, pinili nilang isagawa sa nasabing lalawigan ang provincial launching ng programa dahil sila ang may pinakamaraming LGUs na dapat mabigyan ng programang pangkalusugan at nutrisyon sa mga bata.

Ang nasabing proyekto ay magsusuporta sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon pagdating sa primary care at community levels.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Tinatayang nasa 235 LGUssa bansa na kinokonsiderang may mataas na bilang ng kahirapan at malnutrisyon ang magiging benepisyaryo ng programa.

Layunin nitong mabawasan ang malnutrisyon, lalung-lalo na ang stunting o pagkabansot, at mas mapahusay pa ang nutritional governance ng mga LGUs na sakop nito.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aabot sa 60 na mga LGUs ang makikinabang sa programa, kung saan 30 sa Camarines Sur, 16 sa Masbate; at tigpito sa Catanduanes at Sorsogon.

Inaasahan ding dadalo sa aktibidad ang mga local chief executive at gobernador ng nasabing lalawigan.

Kung matatandaan, aprobado na ng board of executive directors ng World Bank ang nasa $178.1M na loan upang masuportahan ang naturang programa ng Pilipinas na naglalayong malabanan ang kahirapan at malnutrisyon.