3 cop applicants, disqualified, 54 na iba pa under probe re: fake COVID-19 test results

Nadiskwalipika ang tatlong police applicants habang 54 iba pang aplikante ang iniimbestigahan dahil sa pagsusumite ng pekeng RT-PCR test results sa nagpapatuloy na recruitment sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, criminal charges ang ihahain laban sa mga disqualified applicants.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag ni Eleazar, ipinag-utos na rin umano niya ang pagtanggal sa listahan ng mga pangalan sa lahat ng mga aplikante na nagsumite ng pekeng RT-PCR tests sa PRO-BAR, habang ang naturang kautusan ay pinalawak pa sa lahat ng police regional offices at PNP units.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Giit nito, hindi nila bibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga nagbahid sa recruitment process ngayong taon.

Pagbabahagi ng PNP chief, ang anomaliya ay nadiskubre nang magpunta ang team mula sa PNP Recruitment and Selection Unit sa PRO-BAR para suriin ang sistema sa gitna ng mga nakaraang ulat ng iregularidad sa police recruitment sa lugar. // MHEL PACIA-TRINIDAD