COVID-19, hindi na kasama sa top 10 na mga dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas

Hindi na kasama ang COVID-19 sa top 10 na mga pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa, habang nananatili parin ang ischemic heart diseases bilang most fatal.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) saklaw ang unang siyam na mga buwan ng 2022, lumalabas na ang viral illness, na siyang third deadliest disease sa Pilipinas noong 2021, ay bumagsak sa 11th place sa 13,883 na mga naitalang fatalities mula Enero hanggang Setyembre noong nakaraang taon.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ito ay kumakatawan sa 3.3% ng kabuoang bilang ng mga nasawi sa naturang period.

Samantala, sinabi naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na ang pagbaba sa ranking ng COVID-19 ay nagpapakita na na-manage ng mabuti ng bansa ang naturang sakit.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sa datos ng PSA, lumalabas na 77,173 sa mga taong namatay sa unang siyam na buwan noong 2022 ay dahil sa ischemic heart diseases, na katumbas sa 18.5% ng total deaths.

Ang naturang uri rin ng sakit ay ang most fatal sa bansa noong 2021.