Pamahalaang panlalawigan ng Albay, nabayaran na ang mahigit isang milyumpisong utang sa ALECO

Inanunsyo na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na nabayaran na nila ang utang sa Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) na nagkakahalagang PHP1.614M kahapon.

Sa isang panayam, sinabi ni Gobernador Edcel Grex Lagman na bahagi ito ng kanyang paraan upang mahikayat ang iba pang lokal na pamahalaan sa lalawigan na magbayaad na rin ng kanilang mga utang sa nasabing kopperatiba.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Maituturing umano ito bilang pagpapakita ng suporta sa ALECO upang maging maayos ang daloy ng kanilang operasyon sa kuryente.

Kung babalikan, una nang inanunsyo ng gobernador ang tungkol sa inihahanda nilang halagang ibabayad sa utang at kahapon nga ay personal siyang nagbayad ng arrears.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Noong isang araw ay nagbigay na rin ng bayad ang LGU Tabaco sa ALECO, samantalang kinilala naman ng gobernador ang ilan sa mga LGU na cleared na sakanilang obligasyon kung saan ito ay ang Malilipot, Manito at Pio Duran.