Walk of Faith, ‘successfully executed’ ayon sa isang pari ng Quiapo Church

‘Successfully executed’ umano ang isinagawang “Walk of Faith” procession para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Valdez, pagdating sa mga goals ng simbahan, palagay niya ang nabuksan nila sa mga deboto ang bago at pansamantalaang paraan ng prosesyong wala ang imahe.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Isinagawa umano nila ang naturang prosesyon nang maayos at banal, at nakabalik din sila sa Quiapo Church nang tama sa oras.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dagdag pa niya, walang naitalang casualties sa pagdiriwang.

Aniya, sa kabila ng humigit 80,000 mga deboto, wala silang natanggap na reports ng major disruptions habang isinasagawa ang naturang aktibidad.