Go, ikinatuwa ang ulat ng DOH na may mahigit pitong milyong pasyente sa bansa, naka-avail ng mga serbisyo ng Malasakit Centers

Ikinatuwa ni Senator Christopher “Bong” Go ang ulat ng Department of Health (DOH) na nagsasaad na mahigit pitong milyong Pilipino ang naging benepisyaryo ng Malasakit Centers na nakakalat sa buong bansa mula nang maitatag ito noong February 2018.

Ang Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) Program ng DOH ay madaling nagagamit sa loob ng mga Malasakit Center na ito.

Batay sa datos ng MAIP ng DOH, nasa kabuuang 7,481,333 pasyente ang naka-avail ng mga serbisyo sa Malasakit Centers, na may kabuuang budget na P50.8-bilyon.

Noong 2022, mahigit 1.4 milyong pasyenteng benepisyaryo ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng programang ito.

Sa ngayon, may kabuuang 153 Malasakit Centers sa buong bansa mula noong 2018 at mula nang maging batas ito noong 2019.//CA