Pagbibigay ng lifetime validity ng mga passport sa mga senior citizens, isinusulong sa House

Inihainn ni Davao City Rep. Paolo Duterte at tatlong iba pang mambabatas panukalang batas na nagbibigay ng lifetime validity ng mga pasaporte na ibinibigay sa mga senior citizens.

Ang House Bill 6682, na inakda nina Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS Representatives Edvic Yap at Jeffrey Soriano ay naglalayong amyendahan ang Philippine Passport Act of 1996.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sinabi ng mga may-akda na mayroong 8.7 milyong Pilipino na higit sa 60 taong gulang batay sa datos ng Commission on Population and Development.Sa bilang na ito, nasa 1.3 milyon ang nabubuhay sa kahirapan ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa ilalim ng panukala, ang mga pasaporte na na-renew ng mga Pilipinong may edad 60 taong gulang pataas ay dapat magkaroon ng lifetime validity.//CA