CAMARINES NORTE- Mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID- 19 sa bayan ng Sta Elena, Camarines Norte.
Batay sa datos hanggang nitong Biyernes, Enero 6, nasa 69. 2 percent pa lang ng target population na 30, 375 ang nababakunahan kontra Covid- 19.
Ang Sta Elena ay pangalawa sa may pinakamababang vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng mga programang ginawa sa naturang bayan tulad ng Barangayang Suyod Bakuna noong Disyembre.
Sa A2 priority group o senior citizen nasa 1, 761 pa lang ang nababakunahan sa target population na 3, 270 o 53. 9 percent.
Kahit sa 18- 59 ay wala pang 80 porsiento ang vaccination coverage.
Sa target na 18, 487 sa naturang age group nasa 14, 706 o 79. 5 percent ang nababakunahan.
Sa pediatric population edad 12- 17 ay lumagpas sa target ang nabakunahan.
Sa target na 3, 839 nasa 4, 052 ang nabakunahan o katumbas ng 105. 5 percent.
pero pagdating sa 5- 11 ay mababa pa rin ang accomplishment nito tulad sa ibang bayan.
Sa 4, 779 na target population nasa 492 lang ang nabakunahan o 10. 3 percent.
Nasa 2, 079 naman ang nakatanggap pa lang ng unang booster o 6. 8 percent at 185 indibidwal o 0. 61 percent ang mayroon nang ikalawang booster.
