451, 959 Cam Norteños rehistrado na sa PhilSys sa pagtatapos ng 2022

CAMARINES NORTE- Umaabot na ngayon sa 451, 959 Cam Norteños ang rehistrado na sa step 2 registration ng Philippine Identification System (PhilSys).

Ito ay makaraang madagdagan ng 59, 524 indibidwal na nakuhaan ng biometrics capture.

Ang datos ay mula June 2021 hanggang Disyembre 2022.

Nagpasalamat naman ang Provincial Field Office ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa lahat ng mga nakatuwang nito sa pagsasagawa ng ng surveys, civil registration activities at higit sa lahat sa implementasyon ng PhilSys step 2 registration activities at Pintable PhilID distribution.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Partikular na pinasalamatan ng ahensiya ang kanilang hired personnel, Local Civil Registry Offices, Local Government Units, media, partner agencies, stakeholders at registants.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Hindi naglabas ng datos ang ahensiya patungkol sa mga nakatanggap na ng kanilang Physical ID.

Mababatid na marami na ang naghihintay ng kanilang Phisycal ID na karamihan ay taon na ang inabot.

Gayunman may mga nakatanggap na ng kanilang physical ID sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation.