NAGA CITY – Inaasahan sa unang Linggo ng Enero sa susunod na taon ang pagdagsa ng mga pasaherong babalik ng Metro Manila sa Naga Airport.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Acting Airport Manager Jun Orbon.
Bilang paghahanda sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero, nagdagdag ng flight ang paliparan upang masigurong maisasakay lahat ng babalik sa Metro Manila.
Sa record ng Naga Airport, madami ang nagsi-uwian bago pa ang kapaskuhan at kakaunti naman ang nagsibalikan pakatapos ng pasko.
Kaugnay nito, nagpaalala pa rin ang Pamunuan ng Paliparan na sumunod sa mga protocols upang maiwasan ang posibleng pagsirit muli ng kaso ng Covid-19.