Tiniyak ng gobernador na hindi kabilang ang mga job orders at casual employees sa mga tatanggalin o iti-terminate.
Ayon kay Lagman, mananatili sila sa kani-kanilang trabaho hanggang sa matapos ang kanilang kontrata.
Aniya, bilang abogado, hindi sya lalabag sa batas at kailangan sundin kung ano ang nakasulat sa pinirmahan nilang kontrata.
Sinabi niya, ang mga isyu tungkol sa pag-renew nito ay nakasalalay sa pinuno ng kani-kanilang departamento kung ang kanilang kontrata ay ire-renew sa Enero o hindi sa pamamagitan ng patas na pagtatasa sa pagtatapos ng taon.
Samantala, mahigit 3,000 job orders at apat na raang mga kaswal na empleyado ang dumalo sa nasabing pagpupulong mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.