Driver ng PNP-General Hospital arestado matapos mangikil sa mga PNP applicants

Arestado ang isang ambulance driver ng Philippine National Police General Hospital, Health Service dahil sa umano’y pangingikil nito ng pera sa aplikanteng gustong pumasok sa PNP.

Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar nahuli ang suspek matapos na ikasa ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang entrapment operation sa pangunguna ni PBGen Thomas R. Frias Jr.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Pinangangakuan umano ng suspek na kinilalang si Joel Zalun Bunagan ang mga aplikante na agad na mapapabilis ang pagpasok sa PNP kapalit ng ilang halaga.

Isang aplikante ang nagreklamo matapos kikilan ng P100,000.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Dahil dito agad na ikinasa ang entrapment operation kung saan naaktuhan ang suspek na tumatanggap ng marked money.

Magugunitang noong nakaraang linggo inihayag ni Gen. Eleazar na wala nang mangyayaring palakasan sa PNP recruitment.