9 na umano’y rebeldeng NPA, sumuko sa Surallah, South Cotabato

KORONADAL CITY — SUMUKO sa mga otoridad sa Sitio Sto. Nino, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato ang siyam na mga umano’y rebeldeng New People’s Army o NPA mula sa Guerilla Front Alip at Musa, Far South Mindanao Regional Committee.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sumuko umano ang siyam, resulta na tin nang panghihikayat ng mga dating kasamahan na si Evelyn Lawau Tadao alyas Lotlot na unang sumuko noong Hulyo 10 nitong taon.

Agad namang isinailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP ang mga sumukong rebelde.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Patuloy naman ang panawagan ng mga otoridad sa iba pang kasamahan ng mga sumukong rebelde na magbalik-loob sa gobyerno upang makapamuhay ng matiwasay.