Election Registration Board nagsimula nang mag- convene bilang paghahanda sa Barangay at SK elections sa Disyembre

CAMARINES NORTE- Nagsimula nang mag convene ang Election Registration Board (ERB) para i- verify at i-certify ang Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL) at Posted Computerized Voter’s List (PCVL) bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre.

Ito ay kahit pirma na lang halos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay para pagtibayin ang panukalang batas na nagpapaliban sa halalan.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Sa bayan ng Basud ay nag- convene ang ERB  simula noong Miyerkules,  kahit holiday sa buong lalawigan.

Ayon sa Comelec hindi sila pwedeng tumigil sa ginagawang paghahanda sa eleksyon hanggang walang batas na nagpapaliban dito.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Mababatid na inaprobahan ng senado at kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang pagapapaliban ng halalan sa December 5, 2022 sa halip ay gawin ito sa huling Lunes ng October 2023.

Ngayong araw ay muling magko- convene ang ERB sa Basud para ipagpatuloy ang ginagawang paghahanda sa halalan.