Provincial Government umaasang masisimulan na ang construction ng 5- storey building sa Camarines Norte Provincial Hospital ground sa lalong madaling madaling panahon

CAMARINES NORTE- Umaasa ang Provincial Government na matatapos na ng Department of Health (DOH) sa susunod na buwan ang plano para sa itatayong 5- storey building sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ground.

Ayon kay Governor Ricarte “Dong” Padilla sa sandaling matapos na ang plano ay sisimulan na ang construction ng panibagong medical building sa tabi ng parking lot.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ilalagay sa itatayong gusali ang health imaging center at magkakaroon na ng Magnetic Resonance Imaging (MRI).

Ilalagay din umano dito ang dialysis at karagdagang CT scan machines.

Planong ilipat sa second floor ang mga dialysis machine na mula sa sampung unit ay gagawin umanong 30.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Plano rin ng Gobernador na magkaroon ng chemotherapy treatment sa CNPH upang hindi na lumabas ng lalawigan ang mga taga Camarines Norte.

Bukod dito plano rin ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng cancer institute sa panlalawigang pagamutan.