Maamong pawikan, in-enjoy lang na himasin pero hindi hinaras- guest

Dumipensa ang isang babaeng guest na kasama sa nag-viral na video sa Debangan Island sa bayan ng Taytay Palawan.

Sa video na in-upload kahapon ay nakita ang mga guest at tourist guide habang kasama ang mga pawikan na kinondena ng Taytay Municipal Tourism & Development Office at inihayag na ito ay “kalupitan” at “pang-aabuso” sa mga hayop.

Ayon sa isang guest na si Anet, ang mga pawikan ang kusang lumapit sa kanila pero wala sila daw silang intenyon na ito ay saktan at wala rin daw silang ideya sa ordinansa tungkol sa paghawak.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

“Wala naman po, hindi nami hinarass ang pawikan kundi kusang lumapit so para sa’kin walang nangyaring pangha-harass. Kahit sino po ay talagang masasabing maamo ang pawikan…”Yung time na ‘yun hindi siya na-stress.”- Anet

Depensa pa nito, alam ng kanyang mister na tour guide sa bayan ng El Nido ang polisiya tungkol sa pawikan subalit hindi pa rin nila napigil na hawakan ang hayop sa sobrang amo umano nito.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa niya, walang nakalagay na paalala tungkol sa ordinansa na bawal hawakan ang mga pawikan pagpunta nila sa Isla.

Subalit, ayon sa Palawan Council for Sustainable Development Staff ay posibleng magdulot ng “stress” ang ginawa sa mga pawikan at posible rin na makahawa ito ng sakit sa tao kung mayroon.

Ang insidente ay iimbestigahan ng PCSD at ang resort sa Debangan Island, ayon kay Forester John Vincent Fabello