SGMA, hindi magiging basehan sa basta-bastang pagpapaalis sa APEC – General Manager

LEGAZPI CITY – Iginagalang ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang desisiyon sa isinagawang Special General Membership Assembly (SGMA) nito lamang na Sabado.

Ayon kay Apo Alvarez, Chief Operating Officer General Manager ng nasabing korporasyon, hindi magiging basehan ang pag-terminate sa concessionaire agreement ng APEC.

Mananatiling ang APEC pa rin ang magsasagawa ng meter reading, magbibigay ng bill, maniningil at ang mga consumers ay kinakailangan o obligadong magbayad pa rin ito sa APEC business center at kapartner ng mga ito sa bayad center.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Binigyang-diin ni Alvarez, sa kanyang palagay ay matagal pa ang proseso sa ginawang nasabing assembly ngunit maaari namang padaliin ang kanilang kontrata.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kailangan lamang bayaran ng nabanggit na korporasyon ang lahat na ininvest o ginastos nito.

Sinabi ng opisyal, nakakawalong taon pa lamang ito sa kontrata kung saan mayroon pa itong 17 taon para maibalik ang kanilang investment, mabawasan ang utang ng nasabing kompanya at sa ilalim ng consensual agreement bigyan ng 50% si Aleco at 50% si APEC.