Public Noise Disturbance Ordinance ng Barangay Pangpang, pasado na sa review ng SP

SORSOGON CITY – Ang pagiging maingay ay hindi krimen o isang bagay na dapat pagbayaran ng isang tao. Kaya lamang, may tinatawag na “nuisance” sa ating Batas Sibil (Civil Code). Ang ibig sabihin nito ay, kapag nakaiirita na at nakaiistorbo na ang pag-iingay ng kapitbahay, grupo o isang indibidwal ay maaari nang kasuhan.

Ito ang dahilan ng pagsulong ni Brgy Pangpang Kgwd Roland Areola ng ‘Barangay Public Noise Disturbance Ordinance na kapapasa lang sa review noong isang linggo ng Sangguniang Panlungsod.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nagpahayag ng pasasalamat ang otor sa pagsisikap na ginawa ng mga resource persons sa pagtulong sa kanilang Konseho sa pagbuo ng nasabing ordinansa na para sa benepisyo ng kanilang nasasakupan sa Brgy Pangpang, lungsod ng Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kinabibilangan ito ng City PNP, LTO Sorsogon City, SK3, DILG-Sorsogon gayundin ang chairperson ng Committee on Rules na si Councilor Angelu Ravanilla at members na sina City Councilor Thess Gonzalez at Nestor Baldon, City Legal Officer na si Willy Delgado at  staff ng City Council.

Inaasahan na lang ng Konseho ng Brgy Pangpang ang pinal na pag-apruba ng kanilang ordinansa.