Higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu narekober sa isang tulak sa Sorsogon

SORSOGON CITY– Umaabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang narekober ng mga awtoridad sa isang drug personality sa Pilar, Sorsogon kahapon, Agosto 30, 2022.

Nakilala ang suspek na si John Paul Estropia a.k.a. “Paul”, 31- anyos, residente ng Brgy Tabi, sa bayan ng Gubat, parehong lalawigan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang nasabing suspek ay dati nang nasangkot sa iligal na mga gawain at nakalista bilang PWUD o person who use drugs.

Nadakip ito dakong alas 5:35 ng umaga kahapon sa Barangay Putiao sa bayan ng Pilar ng pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang unit ng PNP Regional Office 5, Sorsogon PPO, Pilar MPS, PDEA at Philippine Army.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon sa PNP, ito ay patunay ng tuloy-tuloy na commitment ng kanilang hanay upang labanan at linisin ang rehiyon laban sa iligal na droga para sa mas ligtas na komunidad.