Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte nananatiling mataas sa 121

CAMARINES NORTE- Nananatiling mataas ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay makaraang makapagtala ng 42 panibagong kaso noong nakaraang linggo na nagmula sa walong bayan.

Batay sa datos ng Provincial Health Office hanggang nitong Martes, Agosto 30 na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco umaabot ngayon sa 121 ang aktibong kaso ng sakit.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mula noong 2020 umaabot na sa 4, 304 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Nasa 257 naman ang binawian ng buhay o 5. 97 percent habang nasa 3, 926 ang gumaling o 91. 22 percent.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng PHO sa  publiko na na palaging magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay at iwasan ang mga matataong lugar.

Hinihimok din ang bawat isa na makiisa sa Pinaslakas campaign ng gobyerno na naglalayong pataasin ang bilang ng COVID- 19 vaccination coverage.