Response plan sa epekto ng bagyong Gardo at Supertyphoon Hinnamnor, binabalangkas na -NDRRMC

Bumabalangkas na ng response plan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa posibleng epekto ng ng magkabuntot na bagyong Gardo at Supertyphoon Hinnamnor sa bansa.

Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV sinabi nitong nakastandby na umano ang kanilang ahensiya at anumang oras ay magtataas sila ng alerto.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy silang nakkikipag-ugnayan sa PAGASA hinggil sa lagay ng weather distubances.

Inabisuhan na rin umano ng NDRRMC ang mga local govenment unit partikular na sa Northern Luzon na paghandaan ang posibleng epekto ng dalawang bagyo sa lugar.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Sinabi ni Alejandro na binuksan na rin ng tanggapan ang kanilang emergency operation center para tumanggap ng mga tawag at rumesponde sa anumang pangangailangan.