SORSOGON CITY – Labis na ikinatuwa ng lagpas 500 manggagawa mula sa lalawigan ng Sorsogon ang natanggap na benepisyo sa pamamagitan ng DOLE.
Sinabi ni DOLE regional director Zenaida Angara-Campita na ang pagtanggap ng nasabing halaga ay resulta ng pagkakapanalo ng mga manggagawa sa inihain nitong reklamo laban sa kanilang mga employer.
Ayon pa dito, pagpapakita ito ng dedikasyon ng mga kawani ng ahensya at pagiging epektibo ng sistema ng Single Entry Approach o SEnA.
Aniya pa, 91 percent ng mga inihaing reklamo ay naresolba na at hindi na kinailangang umabot pa sa korte na magiging dahilan pa ng karagdagang gastos sa mga manggagawa.
Aabutin lamang umano ng 5 hanggang 6 na araw ang pagreresolba sa mga kaso.
Karaniwan naman sa mga reklamo ay patungkol sa pagkaka-antala ng final pay, hindi pagbabayad ng 13th month, SSS, PAG-IBIG at PhilHealth.
