Awtoridad puspusan ang imbestigasyon sa maituturing na pinakamabigat na krimen sa Sorsogon sa kapapasok na taon

SORSOGON CITY – Kasalukuyan nang nagsasagawa ng ‘follow-up investigation’ at ‘pursuit operations’ ang mga awtoridad para maresolba ang pagpaslang sa mag-asawa sa bayan ng Gubat.

Kung babalikan, pinagbabaril madaling araw noong Enero 31 at iniwang wala nang buhay ang mga biktima na kinilalang sina Rodolfo Gaban, 57 anyos at asawa nitong si Gloria, 54 anyos, kapwa nakatira sa Brgy. Paco, ng nasabing bayan.

May tinitingnan na umanong anggulo ang pulisya ukol sa krimen kung saan nagtamo ng hindi bababa sa 20 tama ng bala mula sa calibre 45 na pistola, ang noo’y natutulog na si Gaban at ang asawa nitong si Gloria na naghahanda na rin para sa kanyang pamamahinga.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Sa salaysay ng mga anak ng biktima na kasama sa iisang tirahan, may narinig umano silang isang motorsiklong tumigil sa labas ng kanilang bahay.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Bumaba diumano ang dalawang salarin at nagdire-diretso sa loob ng kanilang bahay. Dito nila natagpuan ang naunang biktima habang natutulog at pinagbabaril sa ulo.

Sunod namang pinuntirya ang babaeng asawa na narinig pa umanong nagmamakaawa para sa kanyang buhay. Subalit walang kalaban-labang pinagbabaril din ito, dahilan ng kanyang pagkasawi.

Naglabas naman ng pahayag ang tanggapan ng Police Provincial Director ng lalawigan na kanilang tututukan ang kaso at nangakong makakamit ng mga sinawimpalad ang hustisya.