Kamakailan ay isang 95-anyos na beteranong militar ang napag-alaman na walong dekada na mayroong nkabaong bala sa kaniyang leeg.
Ito ay dahil sa dinala ito sa ospital ng kaniyang mga anak matapos na magkaroon ito ng injury dahil sa pagkahulog sa balcony.
Noong una ay ayaw niya pa sana ito sabihin sa kaniyang pamilya, ngunit, isang araw ay bigla na lamang umano sumakit ang kaniyang leeg.
Dito na rin nagulantang ang mgta doktor na imbis fracture ang makita sa kaniyang X-ray examination, ito ay bala kung saan nakabaon nga sa kaniyang leeg.
Wala rin naman siya umano matandaan noong nakikidigma siya sa giyera sa World War II at sa Korean War na tinamaan siya ng bala.
Ngunit dahil sa mga pagsusuri na isinagawa nito, bigla na lamang nito naalala na may minsang pangayayari noong World War II na pinaulanan siya ng bala habang patawid ng ilog.
Sa kabilang banda, delikado umano alisin ang bala sa kaniyang leeg kung kaya’t napagpasyahan ng mga kaanak nito na huwag na ito ipatanggal dahil sa nawala na mana na umano ang sakit lalo maaaring kaligtasan nito ang manngalanganin.|WENCY LISAY