GROUNDBREAKING CEREMONY NG PRO2 BUILDING PROJECTS, ISINAGAWA

Isinagawa ng Police Regional Office 2 ang groundbreaking ceremony at inagurasyon sa Tagapagpatupad Visitors’ Lounge, Bahay Tibay, at ang Signing of Deed of Donation sa Camp Marcelo A. Adduru ngayong araw.

Ayon kay PBGen Percival Rumbaoa, ang Tagapagpatupad Visitors’ Lounge at Bahay Tibay ay magsisilbing lugar para sa mga mamamayan na makikipag-ugnayan sa PNP upang mapaigting ang relasyon ng komunidad sa kapulisan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Aniya, ang Regional Intelligence Division Building ay tutulong sa PRO2 sa pagresponde sa mga  krimen at kaligtasan ng taong-bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng resources na makakatulong sa pagiging produktibo at epektibo ng pulisya.

Mahigit P2 milyon ang inilaan na pondo sa Tagapagtupad Visitors’ Longue habang ang ang apat na Bahay Tibay units ay naipatayo dahil sa mga materyales at PNP Trust Receipt Fund na ibinigay ng Provincial Government of Isabela.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang pagpapatayo naman ng Regional Intelligence Building ay pinondohan din ng PNP Trust Receipt Fund kung saan sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P3 milyon.

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng termino ni PBGen Rumbaoa, pinasalamatan niya ang lahat ng sumusuporta sa misyon ng PRO2 na gawing mas mabisa at matagumpay ang pagseserbisyo nila sa taong-bayan.