BNFM BICOL— Inihayag ni DepEd-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na target ng kanilang ahensya na mabakunahan kontra COVID-19 ang 100 porsyento ng kanilang mga empleyado.
Sa isang panayam sinabi ng opisyal na batay sakanilang pinakahuling datus, nasa 93% o 69,706 mula sa kabuuang 73,304 na mga empleyado ng DepEd-Bicol ang bakunado na kabilang ang mga tumatanggap pa lamag ng first dose ng bakuna.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Sadsad na patuloy ang kanilang suporta sa Department of Health sa pagbabakuna sa mga batang at estudyanteng edad 5 hanggang 11 taong gulang dahil layunin rin ng kanilang ahensya na mabigyan ng proteksyon ang mga ito ngayong unti-unti na ang implementasyon ng face to face classes.###