93 INSPIRE Project sa region 2, asahan

Binisita ni Department of Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor Barbers Savellano ang bayan ng Buguey Cagayan.

Iprinisinta ni Mayor Licerio “Ceri” Antiporda III ang plano ng lokal na pamahalaan na makiisa sa programa ng Kagawaran ng pagsasaka na Integrated National Swine Production Initiative (INSPIRE) Program.

Sinabi ni Savellano na inaasahan ang 93 INSPIRE project sa Rehiyon Dos.

Tiniyak nito sa mga lokal na opisyal ang suporta ng departamento hindi lamang sa swine repopulation kundi maging sa agri-fishery initiatives.

Ipinahayag ni Dr. Rose Mary G. Aquino, Regional Executive Director, DA RFO 2 ,napakahalaga ng nasabing programa upang manumbalik ang sigla ng industriya ng pagbababoy na lubhang naapektuhan dahil sa African Swine Fever.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *