Delivery boy na umano’y tulak ng droga, arestado

Timbog ag isang delivery boy sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Maddarulug Sur Enrile, Cagayan kahapon.

Nadakip ang suspek na itinago sa alyas na Nilo ,18- anyos at water delivery boy na residente ng nabanggit na bayan.

Nabentahan ng suspek ng nasa 250 gramo ng marijuana ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kulong-kulong na ginamit niya sa transakyon at buy-bust money.

Isinagawa ang imbentaryo sa mga nasamsam na ebidensiya sa presensiya ng mga kinatawan ng National Prosecution Service .

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *