92.4% ng target population sa Isabela, nakatanggap na ng covid vaccine

Umabot na sa 92.4% ng target population ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine sa probinsya ng Isabela.

Batay sa datos ng National Immunization Program-Isabela Integrated Provincial Health Office, ito ay kabuoang 1, 007, 675 ng mga indibidwal na nakatanggap na ng atleast first dose ng bakuna.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Habang 900, 195 naman ang mga fully vaccinated na o katumbas ng 55.8%.

Nakapagtala naman ng 82% sa vaccination consumption sa lalawigan.

Ayon pa sa report mayroon na lamang 9, 455 ang hindi pa nababakunahan o 1.0% unvaccinated adult.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Habang Pediatric population ay nasa 16, 923 o 9.5% nalang ang remaining unvaccinated.

Patuloy ang paghikayat ng pamahalaang Panlalawigan sa mga hindi pa nababakunahan na magparehistro upang makatanggap din ng proteksyon kontra sa nakamamatay na virus.

Photo/IPIO