Huling pangkat ng 96th IB, nai-deploy na sa lalawigan ng Masbate

SORSOGON CITY – Nasa lalawigan ng Masbate na ang huling pangkat ng 96th Infantry Battalion na pinamumunuan ng commanding officer na si Ltc Benjamin Lonogan.

Ang last batch ay kinabibilangan ng Alpha Company na makakatuwang ng Bravo Company na una nang nai-deploy noong buwan ng Oktubre.

Ang 96th ‘Alab’ Battalion ay ipapakalat sa lalawigan ng Masbate, partikular sa mga munisipalidad ng Aroroy, Baleno, Balud, Mandaon, Milagros, Mobo, Masbate City at Burias Island.

Karagdagang puwersa ang nasabing batalyon upang mas tugunan ang mga problema sa insurhensiya at mag-ambag sa kapayapaan, seguridad at pagpapaunlad ng pamahalaan sa kanilang area of responsibility o AOR.

Bago ang deployment sa Masbate ay ginawaran ang tropa ng isang simpleng reception ceremony na pinangunahan ng 903rd Brigade commander na si Col Leonardo Dacumos na ginanap sa Punong Himpilan ng 903rd Brigade sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Bago ang kanilang assignment sa 903rg Brigade, ang Alab troopers ay una nang idineploy sa 902nd Brigade sa Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *