Pamamahagi ng 5k cash assistance para sa mga rice farmers sa Cagayan Valley,  sinimulan na

Sinimulan na ngayong linggo ng Department of Agriculture Region 2 ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga rice farmers sa Lambak ng Cagayan.

Umabot na sa kabuuang 69, 118 na mga magsasaka sa rehiyon ang nakatanggap ng 5,000 pesos sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance Program (RCEF-RFFA) ng naturang ahensya na pinondohan nang nasa 345.5 million.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay DA RFO 2 Rice Program Chief Dr. Marvin Luis, ang pagbibigay ng ayuda ay sinimulan noong Lunes, January 24, 2022 kung saan maaring kunin ang cash assistance sa mga USSC branches ng ibat ibang syudad at munisipyo.

Kwalipikadong makakatanggap ng tulong ang mga magsasaka na nakaregister sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) at nasa dalawang ektarya pababa ang kanilang sinasaka.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon pa kay Dr. Luis, sisimulan na rin sa ikatlong linggo ng Pebrero ang caravan kung saan sila mismo ay magtutungo sa ibat ibang munisipyo/syudad sa rehiyon upang ibigay ang naturang ayuda.

Target na maibigay ang cash assistance sa lahat ng mga magsasaka hanggang sa buwan ng Marso.

Photo/DA