Dayaan sa halalan, nangyayari na bago pa man magsimula – PPCRV

Isiniwalat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nangyayari na ang dayaan sa halalan bago pa man ito magsimula sa Mayo.

Ayon kay PPCRV chairperson Myla Villanueva, marami nang nakarating na ulat sa kanila tungkol sa vote buying.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Aminado naman si Villanueva na hamon para sa PPCRV na huliin ang mga sangkot sa dayaan at iparating ito sa mga otoridad.

Ipinunto ni Villanueva na base sa kanilang mga naririnig ay inaalok ng malaking halaga ang mga tao at pamilya.

Inihayag ni Villanueva na mas kailangan ngayon ng council nang mas maraming volunteers upang maiging mamonitor ang pagtakbo ng eleksyon.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Una nang hinimok ng Commission on Elections ang publiko na iulat ang mga insidente ng vote buying matapos ang opisyal na pagsisimula ng campaign season ngayong taon.