COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 10.7K
BNFM BICOL—Sumampa na sa 10,743 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 188 na panibagong kaso. Bunsod nito, umakyat din sa 3, 014 (28.06%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.
Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 114 kung saan 30 nito ay mula sa bayan ng Pili, 22 sa bayan ng Bula,
12 sa Naga City; sampo sa bayan ng Magarao; anim sa bayan ng Caramoan; lima sa bayan ng Buhi; apat sa bayan ng Ocampo; tigtatatlo sa mga bayan ng Calabanga, Canaman, Pasacao, Ragay at Iriga City; tigdadalawa sa mga bayan ng Bato, Bombon, Del Gallego at Nabua at tig-isa ang bayan ng Goa at Tinambac.
26 na bagong kaso ang naitala sa Masbate kung saan 14 nito ay mula sa bayan ng Balud, lima sa Masbate City, apat sa bayan ng San Fernando at tatlo sa bayan ng Aroroy.
22 bagong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Libon, apat sa Legazpi City, apat din sa bayan ng Malinao, tatlo sa Tabaco City at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Jovellar at lungsod ng Ligao.
Nagtala naman ng 18 bagong kaso ang lalawigan ng Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Virac, apat sa bayan ng San Miguel, tigtatlo ang bayan ng Baras at San Andres at dalawa sa bayan ng Bato.
Pitong bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan tatlo nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Irosin at tig-isa ang bayan ng Bulan at Matnog. Isang bagong kaso naman ang nadagdag sa Camarines Norte na mula sa bayan ng Talisay.


Samantala, 94 naman ang mga bagong gumaling. 70 nito ay mula sa Camarines Sur, 19 sa Sorsogon at lima sa Catanduanes. Dahil dito, pumalo na sa 7353 (68.44%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.
Isang pagkasawi naman ang naitala na mula sa lalawigan ng Catanduanes kung kaya sa kabuuan ay pumalo na sa 376 (3.50%) ang death toll sa sakit.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###