Mga ospital sa General Santos, punuan na dahil sa Covid-19

KORONADAL CITY — PUNUAN na ang mga ospital sa General Santos City dahil sa coronavirus disease ukon Covid-19.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Noel Pingoy, team leader ng General Santos Doctor’s Hospital at Mindanao Medical Center, ikinababahala nito ang tumataas na occupancy rate ng mga ospital sa General Santos City dahil sa pagdami ng kaso ng Covid-19.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa ngayon, 100% na umano ang total occupancy ng mga ospital sa GenSan at sa nabanggit na bilang, mga Covid-19 patients ang bumubuo sa 83.33%.

Paliwanag ni Pingoy na kung may bakante man sa mga Covid-19 wards, may kakulangan naman sa medical staff o nurses at kulang din sa mga medical ventilators ang ibang mga ospital sa lungsod.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dahil dito, nananawagan si Pingoy sa mga local hospitals na paigtingin pa ang kani-kanilang Covid-19 response.