BNFM Bicol-UMABOT na sa 90.91% o 255,955 na mga residente ng lalawigan ng Catanduanes ang rehistrado na sa Philippine Identification System o PhilSys.
Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority o PSA makikita na aabot na lamang sa 9.04% o 25,426 ang natitirang mga residenteng hindi pa rin nakakapagpa-rehistro sa naturang identification system.
Samantala, paatuloy naman ang panawagan ng PSA sa mga residenteng hindi pa rehistrado sa PhilSys na magparehistro na ayon sa opisna, ang pagkakaroon ng PhilSys ID ay may mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong serbisyong pampubliko. ### KENNETH BERMIL
IMAGE FROM WEB