Lalaki sa India binasbasan ang pagpapakasal ng kanyang asawa at manugang

Kakaibang love triangle ang nangyari sa kwento nina Sikandar Yadav at sa kanyang biyanan sa India.

Paaano kasi matapos mawalan ng asawa ni Sikandar tumira siya sa bahay ng kanyang mga biyenan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon na-inlove siya sa kanyang mother-in-law na si Geeta Devi.

Natuklasan ito ng kanyang father-in-law na si Dileshwar Darve matapos na marinig ang balita sa kanilang lugar.

Dahil dito, naghain ng reklamo si Dileshwar at hiniling na resolbahin ang problema ng kanilang pamilya.

Ayon naman kay Sikandar, nahulog ang kanyang loob kay Geeta at mahal na umano niya ang nanay ng kanyang misis.

Umamin din si Geeta na nahulog na rin siya kay Sikandar.

Dahil sa rebelasyon ng dalawa, napagpasyahan ng council na gawing pormal ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Matapos namang marinig ang confession nina Sikandar at Geeta nawala na ang galit ni Dileshwar at inunawa ng father-in-law ang sitwasyon ng dalawa.

Maluwag sa kalooban na tinanggap ni Dileshwar na na-fall out of love na sa kanya si Geeta.

Binigyan na rin niya ng basbas ang dalawa para malaya na itong magpakasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *