9 na kaso ng pertussis naitala sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Siyam na ang kaso ng pertussis sa Camarines Sur ayon sa Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) mula Enero 1, 2024 hanggang Abril 7, 2024.

Sa ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) , sa siyam na ito walo ang clinical case confirmed habang ang isa ay Laboratory confirmed.  Sa kabuohan , 21 ang kaso sa Bicol Region. 

Ang pertussis, na kilala rin sa mga tawag na whooping cough, ubong dalahit at tusperina, ay lubhang nakakahawa at nakamamatay sa mga sanggol at nahahawa sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing ng taong may sakit nito.  Kaugnay nito pinapaalalahanan ni Dr. Rey Millena ng DOH  sa lalawigan ang mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga vaccine preventable diseases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *