Corn Farmer sa Naga City, lugi sa murang presyo

NAGA CITY – Nakaligtas sa masamang epekto ng init ng panahon ang mga tanim na mais sa  Naga City ngunit hindi sa presyo nitong napaka mura, ika nga bagsak presyo sa halagang 14 piso bawat kilo ,depende pa sa kalidad dahil puwede pa itong bumaba na siyang ikinalugi ng mga corn planters.

Ito ang ibinahaging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Frank Mendoza, officer-in charge ng City Agriculture Office kaugnay sa pagbabantay nila sa ani at bentahan ng mga mais ngayong tag-init na ayon sa kanya ang presyong ito ay ikinadismaya ng mga magtatanim lalo na iyong hindi maganda ang kalidad ng naaning mais.

Ang Naga City ay may 500 na ektarya ng maisan sa upper barangay na kung saan 80% nito ay matagumpay na nakapag-ani na dahil sa maagang pagtatanim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *