9 na eskwelahan sa Bicol, sumalang sa pilot test ng limited face to face classes ngayong araw

BICOL—Umarangkada na ngayong araw ang pilot test ng limited face to face classes sa buong bansa matapos ang halos magdadalawang taon na implementasyon ng blended learning.

Sa Bicol region, siyam na eskwelahan ang sumalang sa pilot run kabilang ang Sinalongan Elementary School, Gutusan Elementary School at Mary Perpetua E. Brioso National High School sa Masbate; Tandarura ES, Balanac, Malama (Bagacay Extension), Tupas and Tiongson ES naman sa Ligao City sa Albay at Buenavista ES sa Sorsogon City.

Ito ang mga eskwelahang unang nakapasa sa granular assessment ng DOH at ng Inter-Agency Task Force na napabilang sa 120 public schools para sa pilot testing ng limited face-to-face sa bansa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Karamihan sa mga ito ay nasa malalayo at liblib na lugar kung saan mababa ang mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad,  lahat ng  qualified schools ay mayroong consent ng LGU at mga magulang ng mga kabataang kalahok.

Ayon sa Deped report, 50% ng kabuuang bilang ng mga estudyante sa mga kalahok na paaralan ay nagpahayag ng interes. Sa Sinalongan Elementary School sa Masbate, kabuuang 136 learners ang nagsumite ng parental consent, 43 sa Gutusan Elementary School at 282 learners sa Mary Perpetua Brioso National High School.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Inaasahan naman ang pagdating sa Bicol ng mga opisyal mula sa DepEd Central office kabilang si DepEd Undersecretary Tonisito Umali upang i- monitor ang actual situation sa pilot areas.

Samantala, isang team ng Disaster Risk Reduction and Management Services ng DepEd ang magbibigay ng Psychological First Aid sa mga estudyante at guro sa unang araw ng klase.

Ang pilot implementation ng limited face-to-face classes ay tatakbo mula November 15, 2021 hanggang January 31, 2022.### | slm