9 na bayan at 2 lungsod sa Albay balik MGCQ na-Gov. Bichara

LEGAZPI CITY – Inilabas na kahapon ng Provincial Government ng Albay na pimado ni Governor Al Francis Bichara ang Executive Order No.23 series of 2021 na lifting implementation ng General Community Quarantine (GCQ) sa mga lungsod at bayan sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Bichara, siyam na bayan at dalawang lungsod sa Albay ang ibinalik na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) matapos maisailalim ito sa GCQ nitong unang linggo ng Hulyo hanggang ngayon araw ng kasalukuyang taon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, isa sa mga nakikitang dahilan nito kung bakit isinailalim na ang lahat na bayan at lungsod ay pagbaba ng covid 19 cases sa lalawigan.

Isinailalim na rin sa MGCQ ang bayan ng Tiwi, Malilipot, Sto Domingo, Daraga, Oas, Malinao, Manito, Bacacay, Camalig, lungsod ng Tabaco at Legazpi.

Sinabi ng Gobernador epektibo ang MGCQ na nabanggit na mga bayan sa Hulyo 16 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala, Ayon naman kay Atty Anthony Nuyda, ang Regional Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol, ang buong Bicol Region ay nananatili pa rin sa MGCQ classification level dahil sa patuloy din naman ang pagbaba ng kaso ng naturang sakit sa mga lalawigan habang naghihintay pa rin ang tanggapan sa magiging anunsyo ng Malacañang o kay Presidential Sec Harry Roque kung mananatili pa ba ang Lungsod ng Naga sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o ibababa na sa classification level.