NAGA CITY- Kinumpirma ng City Health Office na may mga naka rehistro at naka schedule nang bakunahan na umaatras.
Ito ay dahil ayaw ng CoronaVac na gawa ng Sinovac ng China ang ituturok. Inihayag ni Dr. Butch Borja , City Health officer ng Naga na minsan nasa mega vaccination facility na nagba-back out pa. Bagay na kanilang inirerespeto dahil may kanya-kanyang nais na brand ng bakuna.
Sa mga nagnanais ng Pfizer handa na ang Naga para sa storage facility. Subalit sa ngayon tanging Sinovac pa lamang ang available at hindi pa nabibili ang covaxin.
May mga nag-aalinlangan pa sa epekto ng bakuna.
Binigyangdiin ni DOH-Bicol Covid-19 vaccine program coordinator Dr. Rita Ang-Bon na huwag basta-basta maniniwala sa mga conspiracy theory na kumakalat ukol sa life span ng nagpabakuna na.
Mahalaga aniyang alamin ang tamang impormasyon.