9-anyos na bata nalunod  sa Bula, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang 9-anyos na bata matapos na malunod sa kilalang paliguan sa Bula , Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT David Olleres ng Bula MPS, naligo ang pamilya ni “John” sa  Nalalata Falls Brgy. Lubgan para ipagdiwang ang kaarawan ng kaanak. Nakita ito ng ina na lumulutang, inakalang sinadyang mag floating lamang pero hindi na pala ito humihinga.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Una rito halos nasa tabi lamang ng pamilya ang bata at bigla na lamang itong nawala.  Ayon pa kay Olleres, aabot lang sa tuhod ang tubig ng pinangyarihan.  Inaalam ngayon ng PNP kung nadulas ang bata at tumama sa bato. Hinihintay ngayon ang resulta ng autopsy report.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa huli pinaalala nito ang publiko na bantayan ang mga kasama lalo na kung minor de edad.