Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Tanza, Cavite

Arestado ang isang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Bunga, Tanza, Cavite kahapon, Abril 23, 2023.

Kinilala ng Tanza Municipal Police Station ang suspek na si Arnel Lomuntad y Detalo, 45 anyos at residenter ng naturang lugar.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Naaresto si Lomuntad matapos magbenta ng isang selyadong plastic na hinihinalang shabu sa nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska rito ang isang piraso ng isang daang piso at isang piraso ng pekeng 500 pesos
Ang nasamsam na ebidensiya ay dinala na sa naturang himpilan upang isumite sa Cavite Forensic Unit.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Sa kasalukuyan ang naturang akusado ay nasa kustodiya na ng Tanza MPS para kaharapin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.