86-anyos babae sa Boston, kinilala ng Guinness bilang pinakamatandang flight attendant sa buong mundo

Nasungkit ng isang ginang na si Bette Nash, 86-anyos mula sa Boston ang Guinness World Record dahil sa 65 years na pagseserbisyo nito bilang flight attendant sa American Airlines.

Kinilala ng Guinness si Bette bilang “World’s Longest-serving flight attendant”

Sa panayam kay Bette nagsimula siya bilang flight attendant noong 1957.

Sa edad na 86-anyos patuloy pa rin siyang nag tatrabaho sa American Airlines kung kaya’t nasa sakanya rin ang titulong “Oldest currently-serving flight attendant”.

Makalipas ang ilang taon sa kanyang trabaho kinumpara niya ang pagiging flight attendant noong 1957 at sa panahon ngayon.

Ayon sa kanyang karanasan sobrang higpit noon ng airlines pagdating sa timbang ng mga stewardess hindi katulad ngayong panahon na mas nagbibigay na umano ng konsiderasyon ang mga airlines.

Pinupuntahan din umano siya ng kanyang pinagta-trabahuhang airlines upang i-check kung siya ay mayroong asawa o kinakasama sapagkat noong panahon ay requirement ng mga flight attendant ang pagiging “single”.

Sa kasalukuyan, nakikilahok pa rin sa mga regular flight attendant training si Nash bilang bahagi ng mga protocols sa ilalim ng Federal Aviation Administration.###BERLYN VILLACRUZ, Intern