83% na mga Pilipino suportado ang POGO ban sa bansa

Mayorya ng mga Pilipino ang pabor na tuluyan ng ipagbawal ang pag-operate ng Philippine Offshore Gaming Operators sa Pilipinas.

Base sa resulta ng OCTA Research survey, 83% ang sang-ayon habang 5% ang nagsabing hindi sapat ang kanilang kaalaman upang magbigay ng opinsyon at 12% na mga Pilipino naman ang hindi pumabor.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Isinagawa ang ang suryvet gamit ang face-to-face mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 1, 2024.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Karamihan naman sa mga hindi sumang-ayon ay mula sa National Capital Region.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ang pagban sa lahat ng POGO sa bansa bago matapos ang taon.