Motorcyle rider, patay nang makaladkad at magulungan ng dump truck sa Cubao

Dead-on-the-spot ang isang motorcycle rider matapos magulungan at makaladkad ng isang dump truck sa Cubao, Quezon City.

Pahirapang makuha ang katawan ng biktima kaya nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumamit ng fork lift upang maitaas ang unahang gulong ng truck.

Saad ng driver ng truck, hindi na siya naka-preno nang ma-drag ang motor kaya’t nakaladkad nito ang motorcycle rider, na napagalamang palipat-lipat ng linya upang makaiwas sa mga lubak.

Ayon naman sa MMDA, posible ring mabilis ang takbo ng truck dahil halos masakop na nito ang EDSA busway.

Sa ngayon, nahaharapa ng driver sa reklamong reckless driving resulting in homicide.