Pulis, patay matapos bumangga ang lulang motorsiklo sa bumaliktad na SUV sa Cordon, Isabela

Patay ang isang pulis matapos bumangga ang lulang motorsiklo sa kasalubong na SUV na aksidenteng bumangga sa isa pang elf truck pasado alas-3 kaninang madaling araw sa Barangay Taringsing, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cordon Police Station, kinilala ang nasawi na si PMSg. Miller Aglabtin, 33-anyos, isang Police Officer na nakatalaga sa RTC 2 sa lunsod ng Cauayan at residente ng Brgy. Bayaoas, Aguilar, Pangasinan.

Habang kinilala naman ang tsuper ng SUV na si Kevin Dela Cruz, 32-anyos, magsasaka at residente ng Bayombong Nueva Vizcaya; at ang tsuper ng elf truck na si Jose Aranda Jr., 54-anyos na residente ng Brgy. Suerte, Quirino, Isabela.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ayon sa PNP Cordon, dakong alas-4 ng madaling araw nang makatanggap ang kanilang himpilan ng report ukol sa nangyaring aksidente sa nabanggit na lugar.

Base sa kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng insidente, parehong binabaybay ni Aranda lulan ang elf truck na may kargang reaper at Dela Cruz ang daan patungong sa southbound direction nang mangyari ang aksidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-slow down sa pagmamaneho si Aranda habang mabilis naman ang takbo ng sumusunod na SUV dahilan upang mabangga nito ang likurang bahagi ng elf truck.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay bumaliktad ang SUV at napunta sa kabilang linya ng daan kung saan dito na aksidenteng nabangga ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni PMSg Aglabtin.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nagtamo ng malalang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang naturang pulis.

Dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatan ngunit idineklarang dead on arrival si PMSg. Aglabtin ng kaniyang attending physician habang naka-confine pa rin sa hospital si Dela Cruz matapos magtamo ng injuries.

Ayon pa sa PNP Cordon, napag-alaman na nasa impluwemsya ng nakalalasing na inumin si Dela Cruz nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cordon Police Station ang tatlong sangkot na behikulo sa aksidente para sa tamang disposisyon at karagadagang imbestigasyon.